Pagod, puyat pero kahit papano masaya ang feeling ko ngayon. Bakit kamo?
Pano kahit wala na sa budget at binenta na namin ang ipod touch (oo, binenta na namin nung isang linggo pa pandgagdag sa gastos at pagpapaaral sa aking hardinero <choz!>) kahit papano nagkakakorte na ang bahay na lilipatan namin. Hahaha
Masasabi mo ng pwedeng tirahan ng mga tao at hindi na mukang kweba na pinagtaguan ni Lapu-Lapu ng maisipan nilang magtaguan ni Magellan nung unang panahon. Kahit papano – pwede na. Saka na ang mga tiles at hopefully makasweldo na kami para naman sa pagpapapintura para by June makalipat na kami.

ang mamang carpentero naextra pa sa picture. sabi ng tumabi muna sandali e
Tanawin ng maigi ang bedframe at ang aparador. Malapit na syang matapos. Mukang pang-api at dukha sya sa ngayon pero hintayin nyong mapinturahan yan at magniningning yan sa kagandahan yan at pwede na isali sa Ms. World next year. At oo, kwartio namin yan.

view sa labas ng pinto ng kwarto namin. Ang natatanaw sa dulo ay ang kusina

isa pang view
Wish ko lang by June makalipat na kami dahil malapit na mag tag-ulan at susko, tulad nga ng sabi ni Ate Marya, ayaw ko ng masikip at maputik (hindi naman kasi mabaho ang bahay namin). Ayoko ng malunod sa tubig baha dahil alam mo naman dito sa min, pag umuulan para lang extension ng Pasig River. Mahirap ng malunod sa tubig baha.
Anyway, more updates pag nagka-kulay na ang buhay ng bahay namin. Suggest naman kayo ng magandang color.
hey, grabe infairness nmn mejo ok na kesa dun sa una mong post pero i’m happy for you guys kc u’d be moving to a bigger place… good luck and love you guys… nga pala mgkano nyu bnbenta ipod touch? my nghahanap kc bka pde ko pgkakitaan haha
House warming! House warming! House warming! House warming!
heheh nabenta na namin sya 18.5k
hehehe shey promise nawala talaga sa isip ko. babawi ako monday hahahaha loveuloveu sorrrrrryyyyyyyyyy
hehehe sa bday ko hahaha
huwaw! house warming! ahihihi
sa kin, mas gusto ko either baby blue or white ang kulay para maliwanag at maaliwalas tingnan, tipid pa sa kuryente kapag umaga at tanghali hehehe
tc always!
hehehe yung kulay nga na gusto nmin is sky blue (tapos light pa dun parang halos magwa-white na sya) hehe